ISNATSER ‘DI UMUBRA SA SENIOR CITIZEN

Lakas ng loob ang ginamit ng 62-anyos na lolo nang habulin nito ang isnatser na pumitas ng kanyang kwintas sa Mandaluyong City, na nagresulta naman sa mabilis na pagdakip sa suspek.


Bagama’t abut-abot ang hininga dahil sa matinding pagod sa paghabol sa suspek ay binalewala umano ito ni Cosme Malinao y Linao, lalo’t ang mahalaga ay naibalik sa kanya ang kanyang gintong kwintas na 18k at nagkakahalaga ng P11,000.


Bukod pa rito ay na­aresto rin ang suspek na si Mariano Lim-It y Abrogar, 32, binata, vendor at naninirahan sa No.356 Calbayog St., Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City, na wala nang nagawa kundi humingi ng kapatawaran sa biktima. 


Sinabi ng biktima kay SPO2 Disilito Custodio, na nakasakay siya sa pampasaherong bus dakong alas-10:00 ng umaga at tinatahak ang EDSA North Bound nang pagdating ng bus sa kanto ng Reliance St., Bgy. Highway Hills ay pumara ang suspek subalit bigla nitong hinablot ang kwintas ng biktima.


“Pagkahablot niya ay mabilis siyang bumaba ng bus pero mabilis din akong bumaba at hinabol siya (suspek) habang su­misigaw ako ng snatcher,” ayon sa biktima.


Nagpatuloy ­umano ang paghabol habang su­mi­sigaw ang biktima nang mapansin ng isang traffic enforcer na tumulong na rin sa paghahabol at pagsi­sigaw hanggang sa makarating sa Calbayog St., at doon na tuluyang nasukol ang suspek matapos harangin ito ng nagpapatrolyang pulis trapiko sa nasabing lugar.

Threads Posts Last post
Wilcom EmbroideryStudio V9.0 SP4 Full CD Multilingual.rar
2014-10-11 03:30:24 - Author : petralph
0 -
Xxx Teen 16
2014-10-07 06:40:43 - Author : yasmibil
0 -
Free Download Skype Hacker V1 4-adds
2014-10-07 04:10:26 - Author : desirlato
0 -
Download Cheat Company Of Heroes Tales Of Valor
2014-10-07 01:42:19 - Author : heavevygil
0 -
Download Cheat Company Of Heroes Tales Of Valor
2014-10-07 01:37:57 - Author : heavevygil
0 -
Start a new thread in ISNATSER ‘DI UMUBRA SA SENIOR CITIZEN

You're using an AdBlock like software. Disable it to allow submit.

Make a free website with emyspot.com - Report abuse